Epic yung Prof ko sa Accounting.
Nakakatuwa talaga ‘tong Prof ko na ‘to! Hindi boring ang Accounting namin. Yun nga lang, minsan nakakatulog ako dahil sa puyat. Hahaha. Mantakin mo? 3 hours kang nakaupo, nag-sosolve ng mga problems, nag-jo-journalize, debit, credit. Haynako. Sino bang hindi makakatulog dun? Buti na lang naiintindihan ko yung mga tinuturo niya. Buti na lang, magaling siyang magturo. At buti na lang meron akong Prof na kalog. Lagi siyang nag-jojoke at nagkukwento about her experiences in life.
I think last Wednesday ata yun? Nagkwento siya tungkol sa qualifying exams ng mga IA (Internal Auditing) na katulad ko. Ang qualifying exams daw, may iba’t ibang mga levels. “Merong Level A, Level B, Level C. Parang Centrum lang yan e, it makes you complete from A to C.” *tawanan ang buong klase.*