Kung patuloy mo pa ring babalikan ang nakaraan, hindi ka talaga makaka-move on.
There’s no impossible with God.
Thank God, nakaraos din. Ngayon pa lang ako natapos kumain. Ulam ko? Kape. Tengene. Pero ok lang. At least, naranasan kong kumain ng walang ulam. Napaisip tuloy ako, pa’no na lang yung ibang tao na isang beses lang kumain sa isang araw? Pa’no kaya nila natiis o natitiis yung gutom? Pa’no kaya sila nakakaraos sa maghapon? Inisip ko yan kanina habang kumakain ako. Maraming pumasok sa isip ko. Basta marami. E, nanonood din ako nung Mel & Joey nun. Na-feature yung ‘Homeless Student’ na isang beses lang kumain sa isang araw at isang tuhog lang ng banana cue yung kinakain niya sa tanghalian. Nakarelate ako.
“Walang imposible kung may tiyaga ka. Lahat mararating mo kung may pagkukusa ka. Magtiis ka lang. Lalo’t magtiwala ka sa Panginoon, nandiyan lang siya para sa’yo.”