Sa araw araw kong paglalakbay patungong eskwela at pauwi sa bahay, minsan kapag ako’y nasa biyahe, naiisip ko na lang bigla.. Sino kaya sa mga iba’t ibang taong nakakasalamuha ko ang makakatuluyan ko? Minsan naiisip ko, sa dinami-rami ng tao sa mundo, pa’no o bakit kaya pinagtatagpo ng Diyos ang dalawang tao? May purpose man o wala. Pero minsan naiisip ko na lang na lahat ng tao na ating nakakasalamuha o dumating o dumaan man sa buhay natin, mga pangyayaring inaasahan o di inaasahan, lugar na ating napupuntahan, at mga bagay na ating nakikita, inaangkin o di sinasadyang mapunta sa’tin.. Lahat ng yun, may purpose sa buhay natin.
Kaya wag ka magtatanong kung bakit nangyayari ang mga ‘yan sa’yo. Instead, ask God, WHAT is the purpose why it is happenning? Kase alam ko, may aral na ibinibigay ang lahat. Sa ganitong paraan, matututo tayo sa bawat hamon na ibibigay sa’tin ni Papa God. Yun lang. :)